Saturday, July 20, 2013

Ang aking iniidolo


Ang Aking Iniidolo

Kung siya'y pagmasdan
karaniwang tao siyang nakagisnan
ihalo siya sa karamihan 
Di mapagkakaila isa lamang siyang ordinaryong nilalang

Ano nga ba ang meron ka
na hihigit sa iba
akin kayang isa-isahin at nawa'y bilangin. 

Haligi ka kung tawagin, 
kaya pala kay hirap mong buwagin
minsan tayo ay nalagay sa pagsubok
na talagang isang dagok.
Sa tatag mong taglay 
ika'y di sumasablay
Kaya naman ito'y iyong 
nabigyan agad na gabay.

Tapat ka sa Pag-ibig
sa Diyos, kapwa at kay inay
busilak na puso iyong taglay
pagmamahal mong wagas sa akin ay buo mong ibinigay.


Ayaw kong tawagin isa kang kaibigan
dahil ang pagkakaibigan ay may hangganan
para sa akin ikaw ang aking itay
walang hanggan ang pagmamahal 
hanggang sa dulo ng buhay.

Mapalad ako sa biyaya 
ng buhay na nagmula
sa iyo aking itay
Muli salamat sa iyo aking itay
makakaasa ka na ang legacy mo ay di mawawalang saysay
dahil kapag ako naman ang naging isang tatay
tulad mo ay maipagmamalaki ring tunay.

1 comment:

  1. Naks. XD Hmm. Yung lines mo, iba iba, medyo magulo. yun langs. XD Pero magandaaa yung tula. :)

    ReplyDelete